top of page
Search

What "2021" Christmas Feels Like. . .

Writer's picture: Naoki GonzalesNaoki Gonzales

> Nothing...just a bunch of “something” that needs to get fixed.

- Tambay sa kwarto - nagkakamot ng makating pwet, December 2021

<---------------------------------------------------------------> Time check: 3:30AM (December 16, 2021) (ganito yung tipong feeling blogger na nauubusan na ng ideas sa intro. Lagi nagsisimula sa "Time Check". ) Simbang gabi na naman - as usual. Tamang lakad lang ako papuntang simbahan para naman makaramdam ng kaunting "work-out" kuno sa sarili. Different year, pero same outfit sa unang araw ng Misa De Gallo. - Body-Fit Hoodie (gray) na binili sa Surplus Shop (SM) way back from 2013. - Skinny jeans (Uniqlo) - World Balance Slip-on. - Beanie (Black) - Avon Photochromic Men's Glasses - Bluetooth Headphones. - Facemask na itim Kasabay kong naglalakad yung mga Gen Z's na gusto ulit makaranas ng simbang tabi - as usual, parang christmas party lang ang get-up pero at least nag-evolve. From Hip-hop group na may suot na Fubu XXXXL Size Shirts at Duralite slippers na may long white socks, at Mark Ecko/ RRJ na Elephant Shorts, to j3j3mons na naka NGK sandos and Checkered skinny pants with ROYGVIB Colors with colored rainbow cap/"BOY" Cap at pekeng Vans Shoes. Sabayan pa ng tinatawag nating "new breeds" - na kung tawagin ay "Shawties" and "Supremes" na ang ilan, kung hindi naka crop-top sa girls, karamihan ay may suot na Football jersey shirts na "Emirates" o "Rakuten". May iba pa dyan na naka-"SUPREME" Clothing para daw kewl ang dating. Nakaka-aliw lang tignan at ramdam mo yung evolution ng fashion sa simbang gabi. Samantalang ako - stuck pa rin sa fashion na "Feeling rakista" na introvert. haha... <Feel ko hanggang sa tumanda ako, ganito pa din magiging "usual get-up" ko.> Tatlong taon na din pala ang dumaan, at halos tatlong taon din pala ako naging "Temporary NEET" habang inuubos ko yung backpay ko sa previous work ko kaka-bili ng kung anu-ano (useful and not-so-useful items), kaka-libre ng kung sinu-sino (naks...galante), kaka-kain at gala kung saan-saan. Ang mindset ko lang talaga at that time - maghahanap ako ulit ng bagong work kapag naubos ko lahat ng savings ko within 3 years (No regrets since na-enjoy ko naman yung long vacation ko on my own terms.) Within that same period, grabe din nararamdaman kong stress, depression, at burned-out. (as in dumating din ako sa time na di ako makakain at tinutulog ko lang gutom ko - sabayan pa ng kamag-anak/kasama sa bahay na halos i-tsismis ako sa buong baranggay na wala akong work na halos tuwing lalabas ako ng bahay, iisa lang tanong nila.) "Saan ka na nagwo-work ngayon? Narinig ko sa lola mo na nag-resign ka daw." - like alam mo yung feeling na para kang "lowest of the low" kapag nalaman na unemployed ka (kahit nagpahinga ka lang naman after mo mag-resign?) NOTE: marami din akong naranasan na "chaotic scenarios" sa pagiging unemployed to the point na nakakaramdam na ako ng suicidal thought/s dahil sa pressure, stress, depression at sobrang burned-out. One time, nagdadasal na lang ako noon na sana, di na lang ako magising (at some point) dahil pagod na pagod na ako sa mga naririnig ko noon at that time. Feel ko, para akong kriminal dahil ba unemployed ako at malaking kasalanan ang magpahinga after mag-resign. Kaya madalas akong nagkukulong noon sa kwarto para lang manood ng anime o documentary, maglaro ng kahit anong games o magbasa lang ng blogs/learning articles ng iba. Minsan nga, may mga pagkakataon na nakatingin lang ako sa kisame at walang ginagawa (parang tulala lang buong gabi at gusto ko lang ng blank mindset). Lalabas lang ako ng kwarto for the reason na: 1. Kapag tulog na ang mga tao sa bahay. 2. Kakain (late-night dinner or every 3:00AM) 3. Kapag merong bibilhin sa Convenience Store ng dis-oras ng gabi. For 3 years, ganoon lang routine ko para maka-survive. Di ko din masyado kinakausap lola ko at that time dahil madalas lang kami nagtatalo with the same issue. halos walang araw na naririnig ko to: > Kelan ka mag-a-apply? > Ano? hanggang ganyan ka na lang? > Palamunin ka na lang habambuhay? > Wala ka bang pangarap sa buhay? > Di mo tularan si <insert name of my former classmate here> may sasakyan na at mataas na bahay, ikaw ano ginagawa mo? > Buti pa si <insert name of my former classmate here> (Like anak mo ba yun?) > tigil mo na yang kalokohan mo - di ka kikita dyan at maghanap ka na ng trabaho para pataasin yung bahay sa kabila. (like sobrang inggit niya kasi sa mga kapitbahay namin at gusto niya ora-mismo na ibigay yung gusto niya.) > Mag-abroad ka para pataasin yung bahay sa kabila (same reason...) (Like buong buhay ko, never ako nakarinig ng "words of encouragement or motivation" mula sa kanila, dahil puro comparison lang naririnig ko eversince. Lagi na lang ako kinukumpara sa dati kong classmate - to the point na gusto ko na lang sabihin sa harap nila na "doon na kaya kayo tumira - tutal palagi niyo akong kinukumpara sa kanya since elementary, highschool at college.") Note: don't worry, di ko naman sinabi yun sa kanila. As usual, alam ko na magiging sagot nila sakin: <"Nagmana ka talaga sa tatay mong Yakuza, Napaka-salbahe"> (Like never naman ako naging tama sa paningin nila...) Sa ilang beses na nagtatalo kami over something, di na lang ako umi-imik para less issues. Halos lahat ng hardships ko at that time (including my health condition na rin), sinasarili ko na lang dahil ako lang din naman makakatulong sa sarili ko. Minsan nga, nakakaramdam ako ng inggit noon kapag nakakakita or nakakabasa ako ng posts sa socmed about supportive parents/grandparents para sa mga anak/apo nila. (well, hanggang ngayon pa din naman.) Lagi kong sinasabi sa sarili ko: Sana ako din, merong ganun...kaso wala eh. Natapos na ang misa at nag-decide na din ako na umuwi na lang para matulog ulit. (Supposed to be gagala pa sana ako ng konti para mag-foodtrip sa malapit na lugawan, kaso nakaramdam ako ng antok.) Feel ko, magiging OK na ako this upcoming year... sana. **fingers-crossed.** ------------------------------------------------------------------------------ Update: Out of my 3 wishes noong Misa De Gallo, 3 din yung natupad. 1. Bagong work 2. Girlfriend 3. Happy Life (kahit temporary lang.) Salamat papa susej. :D <wala na talaga akong madadagdag dito. Gusto ko lang talaga mag vent-out para lumuwag pakiramdam ko.>

6 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


profile_picture.png

Thanks for the visit! =)

For more updates, feel free to visit my social media accounts.

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Instagram Icon
  • Grey Twitter Icon
  • YouTube - Grey Circle

© 2018 by Naoki Gonzales. Proudly created with Wix.com
All rights reserved.

bottom of page