top of page
Search

"Memoirs from a Yellow Pad"

Writer's picture: Naoki GonzalesNaoki Gonzales

(another work of fiction and malikot na imagination.)



Written by: Anda-san ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Time check 6:00 AM Date: November xx, 2012 (Sorry, nakalimutan ko na yung exact date.) Umagang puyat na naman. Sumisipa pa din insomnia ko nung mga oras na iyon. Pilitin ko man ipikit mga mata ko para makatulog, hindi ko talaga magawa. Sumabay pa yung magandang view ng dalawang butiki sa kisame habang busy sila sa sexlife by a "doggie stance." Kasabay noon, hindi ko rin maalis yung tingin ko sa mga damit ko na nakasabit sa isang mahabang tubo na built-in sa pader - para magsilbing sabitan ng damit-panlakad. (sa dami nga ng nakasabit, akala mo - para akong nag-o-online selling or nagpapa-mine ng damit na "up-for-grabs.". Nababagot ako nung mga oras na iyon dahil sa puyat na wala namang dahilan. Parang tang lang. Napansin ko din na never ako nagkaroon ng damit na Light color. Pwede niyo na ako tawaging "Kuro-san" dahil Black talaga favorite kong color :D (Bumaba muna ako saglit para magtimpla ng kape.) Pagbalik ko sa kwarto, kumuha ako ng panulat at dalawang piraso ng yellow pad sa drawer. Habang nakatitig ako sa yellow pad, para akong pinaglalaruan ng imagination ko ng halos isang oras o higit pa...sabay tugon sa akin nito ng: ...Gusto mo ba maging aspirant writer di ba? Subukan mo ngayon sumulat ng kahit ano. - On the spot - No scripts - No proper format - No specific topic - No proper plot/storyline - No holds barred. - No pets allowed. - No ID, no entry. (Joke lang tong last part na to...ehe.) Since di talaga ako makatulog at kumuha ako ng kape sa kusina (for no reason at all) - no choice...pero sige, subukan natin gumawa ng "something" na pwede kong isulat para lang meron tayong "mema" moments sa harap ng Yellow pad. Baka sakaling mailabas ko din lahat ng nararamdaman ko at sama ng loob ko ever since. Here we go... Hanggang ngayon, di pa rin nawawala sa isip ko yung linyang "First Love Never Dies" - para siyang dugo na paulit-ulit lang umiikot sa katawan mo mula sa ulo, pababa, at never nagbabago. O di kaya sabihin natin - para siyang Golden Fiesta cooking oil - na kahit pitong beses mo man gamitin, golden pa rin. Golden Fiesta, baka naman. :D Pero bakit ko nga ba naalala yung linya na yun out of nowhere? here's the story: One random night...sinubukan ko ulit tawagan yung cellphone number ni Ex - a.k.a. "Chinese Buns" - nagbabakasakali lang ako na makausap ko siya ulit. Then para dagdag-attensyon at makasiguro ako kung mapapansin niya nga ito, sinubukan ko din mag-text ng ilang beses sa kanya. Wala eh, kabisado ko pa rin number niya. > Sending... > Sending... > Send to many... > Check Operator Services. buset. Alam ko na kahit wala na siya sa pilipinas, (dahil ang balita ko, nag-migrate na siya somewhere in US) umaasa pa rin ako ng kaunti kahit 6.9420% lang yung chance. Naroon din yung feelings ko na sana - nasa Pinas na siya at sana magkaroon ako ng pagkakataon na makausap ko siya for one last time...for a proper talk or closure. (since nawalan kami ng comms sa isa't-isa during and after highschool.) Dumaan ang ilang oras, araw, linggo, buwan, taon... pero wala akong natanggap na kahit ano. walang notifs, walang missed calls, walang SMS or MMS messages, walang wallper message, walang IR Message, at wala din Testi sa Friendster o walang message/poke sa Facebook. >A month passed...wala pa rin. >Another month passed...wala pa rin. >Another six months passed...malapit na akong sumuko. > A year passed...and more years after...Need ko na yata magmove-on (for real.) (kasabay din noon, nagkaroon din ako ng ibang relationship with someone else, na hindi din nag-worked due to "His and her" issues hanggang sa naging single ako ulit - for fun.) - xD - Naroon na ako sa stage na gusto ko ng makalimot at mag-move on during college days (habang nakikinig sa "words of wisdom" ni Papa Jack every late night), pero sa di inaasahang pangyayari, ginulat ako ng dalawang "Facebook Notifications." ng dis-oras ng gabi. > "Chinese Buns" poked you. > "Chinese Buns" send you a friend request. (Last chance na to...umayos ka boy...) Alam mo yung ngiti ko noon, abot na hanggang gilagid sa sobrang tuwa. Akala ko, doon ko na mararanasan yung "Happy Ending" na matagal ko ng gustong makuha - na katulad din sa mga napapanood natin na fairy tales at koreanovelas. Ngunit sa huli, kabalitaran lang pala nakuha ko in return. Akala ko noong una, masasalba ko pa relasyon namin para magsimula ulit, (Walang kaso sakin kung maging friends na lang muna kami - at least meron kaming "Starting Point".) Pero huli na pala ang lahat. Napag-alaman ko na pamilyado na pala siya. Wala akong magawa noon, kaya binati ko na lang siya at sinabihan ng "Congratulations", sabay pakita ng pilit na ngiti. Feel ko, nakutuban niya na malungkot ako, pero piinlit kong hindi ipakita sa kanya yung totoo kong nararamdaman... Happy ako - oo, pero deep inside, masakit. Oo, masakit, hindi dahil sa nasayang na effort na hintayin siya kahit di ko naman kailangan maghintay, pero masakit sa feeling na never na magiging kami. Para kong nakaapak ng lego o yung gulong ng crush gear. Huli na nga ang lahat. Doon ko lang na-realize...wala nga talagang forever. At hindi lahat ng love story, nagtatapos sa "Happy Ending". Minsan, nagkakaroon din ng "Bad Ending" or "Alternate ending". (Nakakatawa pa nga dahil habang ka-chat ko siya for one last time, pinapatugtog ko yung "Nobela" by Join the Club sa kwarto. Favorite song niya kasi. haha) Sa ngayon, sinusubukan ko siya batiin ng "Happy Birthday" every year, pero hanggnag dun na lang kaya kong gawin para sa kanya. At least, kung ano man status niya ngayon sa buhay, happy na rin ako para sa kanya. Pero hinding-hindi ko makakalimutan yung mga panahon na kaming dalawa mismo yung nagsisilbing "Buena-mano" ng school every morning. nakaupo lang sa school grounds, magkatabi, sasandal siya sakin, at maguusap kami ng kahit-ano (anything under the moonlight.) Yun na siguro yung best moment ng buhay ko over someone na naging parte ng buhay ko noong hishschool. Yun na din sugro yung golden moment na kahit kailan, never-ever mapapalitan o matutumbasan ng kahit ano. "Chinese Buns" is life. =) (After writing this "twisted and confusing short story"...tumingin ulit ako sa kisame. Ayun, di pa rin sila tapos sa pagsasayaw ng "Teach Me How to Dougie") Sana all may ka-doggie. :D

6 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


profile_picture.png

Thanks for the visit! =)

For more updates, feel free to visit my social media accounts.

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Instagram Icon
  • Grey Twitter Icon
  • YouTube - Grey Circle

© 2018 by Naoki Gonzales. Proudly created with Wix.com
All rights reserved.

bottom of page