top of page
Search

Kuwentong PG13. . .

Writer's picture: Naoki GonzalesNaoki Gonzales

< Single ka nga ngayon, pero happy ka pa rin ba? >

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ Goals, career, love life, sex iife, buhay ng may syota/jowa at marami pang iba na pwedeng pag-usapan... yan ang ilan sa mga "medyo spicy, hot, thrilling, sensiitive at something personal topics" na pinag-usapan namin sa isang "Sizzling na Kainan" sa Mandaluyong. Isipin niyo na lang na isa siya sa madalas naming tambayan every late-night weekend - o sabihin nating "Sanctuary" naming mag-barkada. (Sadly - matagal na siyang nagsara kasi nalugi yata samin kaka-tambay habang pumapakyaw ng sizzling Bicol Express at unli rice...hehe). Nakakatuwa isipin na habang pinagmalaki ko sa kanya yung buhay ko bilang "Survivor ng Walang Lovelife Since College", halos natawa lang siya, sabay banat ng mga bagay na hindi ko expect na lalabas na lang sa usapan namin. Hindi man eksato yung naalala kong details ng usapan namin, pero parang ganito yung gusto niyang ipahiwatig sa akin nung mga oras na iyon...


... "alam mo Nao, masarap nga maging single, pero di mo ba inisip na patay ang Lovelife at sex life mo? Pare, 25 ka na, at supposed to be by 30, may asawa or pamilya ka na. Hindi naman sa pinangungunahan kita, pero naranasan mo na ba maging malungkot sa tuwing nakakakita ka ng sweet na magsyota na naglalandian/naglalambingan sa daan? Pagisipan mo na yan pare." NOTE: Kung tama ako, around 2015 ito nangyari - mga panahon na pinaguusapan lang namin mga problema namin sa buhay -syempre, pareho kaming walang jowa noon. :D


Sa una, tinawanan ko lang at dinedma dahil wala talaga akong interes sa mga ganung bagay... (halos buong buhay ko focus lang sa sarili, trabaho, arcade, foodtrip, barkada at "AKB48 Fanboying" na kung saan pinapantasya ko lang future girlfiend ko over a photocard na nakuha ko from another fanboy.) Pero aaminin ko, mayroon mga pagkakataon na ganun na din nararamdaman ko kapag dumarating na sa time na nagsasawa na din ako sa "Solong Buhay" sa bawat lugar na pupuntahan ko o dinadalaw ko kapag araw ng "Dayoff" ko sa trabaho. Foodtrip, Tambay with barkada, Movie Night, Coffee Sessions, Blog making sa paboritong tambayan, at kung saan man ako dalhin ng mga binti ko, madalas kong sino-solo - ika nga sa nakuha kong award noon sa PPF, "Drifter" daw ako dahil kahit saan, bigla na lang akong sumusulpot na parang kabute. Isa din sa rason na alam ko kaya nasasanay na akong gumala ng solo - epekto na din siguro ng pagiging introvert ko since childhood. Di ko alam yung exact word sa isip ko - pero yung convenience, ambience at "inner-peace", naroon. ...tsaka yung feeling na "may sarili akong mundo", ramdam ko kapag gumagala akong mag-isa.


Yung mga panahong iyon na habang naguusap kami, sinusubukan kong ibaling sa ibang bagay yung mga sinabi niya (feeling dedma kumbaga), sabay banggit na lang sa nakitang masarap na terriyaki sauce sa kabilang mesa... (Alright, next topic tayo...haha)


...and then nasabi ko na lang sa isip ko:


..."Sexlife? hmmm...pucha...manood na lang kaya siya ng vids ni Maria Ozawa, Sora Aoi o kaya yung kay Ai Kurosawa, malamang, yan din sagot sa problema niya - diba?" (tapos pasahan niya din ako after para meron din akong magamit for educational purposes)


Isa na siguro iyon sa pinakanakakatawang bagay na gusto kong sabihin sana sa kanya, kaso di ko lang magawa - at baka masampal lang ako nun at matawa pa mga katabi namin sa lamesa dahil sa pinaguusapan namin. Hindi ko din maintindihan kung bakit doon napunta usapan namin nung mga time na iyon, dahil sa pagkakaalala ko ang unang pinagusapan namin ay kung ano nga ba mga ginagawa niya recently, at kung ano buhay niya ngayon sa bago niyang work. (kahit na ba ayoko din sanang pagusapan, dahil di ko din trip pagusapan ang buhay-trabaho, lalo na kapag "Day-off" ko.) Pero sa totoo lang, naenjoy ko din usapan namin kahit na ba hindi rin niya ako maintindihan dala ng may sakit ako ng araw na iyon at di ako makapagsalita ng maayos.


...nauutal pa nga ako nun dahil sa singaw at nilalagnat ng kaunti, pero tambay pa din. (sa ngalang ng barkada...)


After nung meaningful na tambay namin, doon ko lang na-realize: Ayoko muna talaga ng lovelife or pumasok ulit sa kahit anong relasyon dahil andun pa rin yung "doubts" sa aspeto ng panliligaw at pagpapakita ng nararamdaman. Matagal na din akong nakakulong sa sarili kong mundo, at hindi ko alam kung paano ako magsisimula ulit kapag andiyan na. Ilang beses na akong nakagawa ng pagkakamali noon at ayaw ko ng ulitin. Minsan na akong naglaro, at ayoko ng umulit (wala naman akong sinira na pamilya, pero ayokong maulit na para akong christmas lights na "patay-sindi" kung magpahiwatig ng feelings). Ginusto ko na lang na makuntento sa "Everyday Smiles" na nararanasan ko kapag may nakachikahan akong babae sa isang tambayan, o coffee shop sa isang unexpected na late-night tambay. Nakumpleto na araw ko kapag may katabi akong "cute girl" sa bus at nakangitian ko pagkababa sa dahilang nakatulog siya sa balikat ko, at ginising ko bago ako bumaba. Ok na sa akin yung may natanggap akong "kiss sa pisngi" o isang friendly hug kapag may nilibre akong babae. OK na sakin kapag meron akong naka-date every valentines day dahil ako sumalo ng "lovelife issues" nila. Kumpleto na din araw ko kapag may kumindat sakin na chicks everytime na pauwi ako noon from Libis. (kahit na alam kong isa sila sa members ng "Cubao Night Headhunters" na tapos na din sa shift nila.) Masaya na din ako kapag nakakaranas ako ng "Fantasies-turned-into-unexpected-reality" (kayo na bahala kung ano meaning nito...) At higit sa lahat, Masaya na ako at kung meron man magsabi sa akin ng "I Love You" kahit wala naman kaming label. (I know medyo corny na yung mga sinasabi ko above, pagbigyan niyo na lang ako...please? - minsan lang ito. Kung feel niyo, may pagka "sadboy" tong blog ko, sensya na. Di ko din alam meaning nun dahil boomer na din ako -at hindi makarelate sa mga internet lingo ng mga Post-Millenials ngayon.)


... Siguro, hanggang dun na lang muna ako sa ngayon. Going steady lang muna for the meantime - happy pa naman ako kahit tag-tuyot tayo. Nasanay na din naman ako na makuntento lang sa mga simpleng bagay na nagbibigay sakin ng pansamantalang kaligayahan, na kahit kailan, di ko na maiiwasan.

Kung meron man dumating sakin, wag naman sana yung tipong first enounter namin, eh biglang nag-offer ng networking from Vera7 kaya ako kinaibigan. Partner hanap ko at hindi upline. - end - P.S.: - Shout-out pala dun sa kaibigan kong madalas kong nakakausap noon with my personal issues, gossips and some secrets. Alam ko nagkaroon tayo noon ng konting alitan from small things pero sana dumaitng yung perfect time na makausap ko kayo ulit for anything under the sun. Di ko sure kung nababasa mo to, pero congrats pala sayo and best wishes. Kelan kaya darating yung sakin? :D xD

10 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


profile_picture.png

Thanks for the visit! =)

For more updates, feel free to visit my social media accounts.

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Instagram Icon
  • Grey Twitter Icon
  • YouTube - Grey Circle

© 2018 by Naoki Gonzales. Proudly created with Wix.com
All rights reserved.

bottom of page