(retrieved from the discontinued "FB Notes")

Magandang gabi sa iyo. Una sa lahat, pinaaalam ko na sa iyo na hindi ako nagpunta dito para makipag-away. Narito po ako ngayon para makipag-kuwentuhan sa iyo. (alam ko na hindi lahat ng audience mo, hindi nila babasahin to. Di ko to ginawa para magmakaawa na bigyan ka nila ng likes, comments, and shares. Hindi ka celebrity o isang sikat na “Content Creator” sa Youtube o YouPorn.) Oo, ikaw...ikaw nga. Ikaw na mahilig maglaro ng arcade kahit di mo naman sineseryoso. Ikaw na mahilig sa anime, pero hindi mo naman tinatapos. Ikaw na AKB Fanboy, pero di mo naman kilala lahat ng members. Ikaw na “Amateur Blogger”, pero nonsense naman ang ginagawa mo. Ikaw na mahilig kumain, pero hindi naman marunong mag-review. Ikaw na madaming ideas, pero tinatamad ka naman gawin. Ikaw na “Self-Proclaimed Nerd” pero wala namang grado ang salamin mo. Ikaw na mahilig sa itim, pero nagpapanggap ka lang na rakista. Ikaw na "Self-proclaimed Jack-of-all-trades,master-of-none." Ikaw na mahilig magluto, pero puro Fried Rice with Kangkong lang specialty mo. Ikaw na mahilig sa gadgets, pero wala ka naman talagang alam sa tech. Ikaw na mahilig sa Sony Products, pero wala ka namang PS Collection. Ikaw na mahilig sa Medium-sized na damit, para lang itago lahat ng “Tito Fats” mo. Ikaw na naging drummer noon, pero wala ka namang permanenteng banda - paextra-extra ka lang. Ikaw na mahilig sa music, at pinilit na maging “Audiophile-at-heart”, pero wala ka naman alam sa Audiophile Terms. at higit sa lahat; Ikaw na gumagaya sa punchline ni Jun Sabayton na “Pag-Ibig lang ang Bisyo”, pero hanggang pag-fling lang alam mong gawin. Masakit di ba? Pero feel mo ba, walang double-meaning yun? Katulad ka din ba ng iba na hanggang “Article Subject / Headline” lang ang binabasa? Nagamit mo ba isip mo ng maayos para maging “Open-Minded” or tumulad ka na lang din sa iba na nagpapa-PAWER sa kalsada dahil nakikiuso lang sa punchline ni Cong? (pasensya na sa pagiging sarcastic, pero isipin mo yung “Brighter side” ng sinabi ko para sayo. Isa-isahin natin.)
Una sa lahat...
1. Yung potential mo para maging “Blogger”... Naalala ko noon, napakahilig mong magsulat noon ng kung anu-ano sa yellow pad, blangkong notebook at MS Word sa Computer room (at sine-save mo pa sa floppy disk) since highschool. Masyado kang inspired at desperate na i-push mo yung pangarap mo para maging blogger in the future. Sobra kang humanga sa prof mo sa Journalism class ninyo - to the point na lahat ng School Papers sa school, sinalihan mo para lang magkaroon ka ng contribution sa dyaryo. (na hindi din naman na-publish dahil ninakaw yung draft ng dyaryo nung Brigada Eskuwela ung 2nd year ka.) Saklap di ba? Naalala ko rin yung mga panahon na mahilig ka pa nun sa pagbabasa ng komiks, konting literature at maliliit na libro. Ang hilig mong bumanat ng punchlines na halos hinugot mo lang sa mga pahina ng “Pugad Baboy” at mga libro ni Bob-Ong...Corny sa una, pero nakakatawa kapag nakuha namin yung gusto mong ipahiwatig. Nagkaroon ka din ng pagkakataon na mag-post noon sa 5 Friendster accounts mo, MySpace, Piczo, at Wordpress about sa crush mo, pero nakalimutan mong magtago ng hard copies nun, at dumating sa punto na nawala lahat ng minamahal mong “Tito’s Social Sites”. Sumagi din sa isip ko nung mga panahong nagsimula kang ulit gumawa ng mga random stories sa BlogSpot at bagong account sa wordpress, pero sa tagal ng panahon na hindi nabuksan, hindi na nabalikan. Wala talagang “Forever” sa iyo. Dumating yung mga araw na urong-sulong ka sa mga gusto mong i-push about blogging. Ang hilig mong mag-share ng "Useful Guidelines in making a blog", pero pagkatapos nun, magse-share ka lang ng mga “shitposts” ng iba - may “CTTO” na, may nakalagay pang “Random Sharing”. sayang yung mga oras na sana’y nag-focus ka na lang sa pagiisip ng mga bagong ideas para sa “Frustrated Personal Diary” mo. Naalala ko din nung “college life” mo, pinipilit mong hindi makipag-socialize sa mga kaklase mo para lang magkaroon ka ng “Personal Space” sa daily blogs mo sa isang kapirasong notebook. Pinagyayabang mo pa dahil may nagawa ka - pero puro kalokohan lang ang laman, maximum of 1 page per topic. Aysus. ...pa - “Chinese-Chinese Buns” ka pang nalalaman sa itsura niya (based sa mga kuwento mo), bakit, mukha ba siyang tinapay? Mukha ba siyang siopao? ...at higit sa lahat: Naalala ko rin na nung mga panahong nasa “Training Stage” ka pa lang sa una mong trabaho way back February 2012, nilaan mo yung 4 hours ng freetime mo para lang sa “Unfinished Book” mo na matagal mo ng pinaplano at pinapangarap. Nag-resign ka na lahat-lahat, pero nakaabot ka lang ng 17 pages. Boooo - weakling. Naging drawing...at tinamaan ka na naman ng katamaran... Tuloy mo na yan, or else, habambuhay yan na nakatambak lang sa “Blogfiles” mo. walang mangyayari dyan kung hindi mo yan tatapusin. Tignan mo paligid mo para magkaroon ka ng idea. Siguraduhin mo lang na idea nga tinitignan mo, at hindi yung mga chicks na naka-mini-skirt or malaki ang kargada. Tandaan mo na hindi yun bagay sayo - or else, ready ka ng mag-ladlad. 2. About your Lovelife: Naalala ko din yung mga panahon na inspired ka sa crush mo noong 1st year HS ka. Nakikita ko kayo noon sa School Grounds na magkasama at wala pang tao nun since 5:00AM pa lang. Sa sobrang saya ng feeling mo nun, nagtuturuan pa kayo sa mga bituin habang nakangiti. Pa-swing-swing pa, akala mo may Forever. Siya ba si “Chinese Buns” na tinutukoy mo sa mga diary mo? Corny. Ang sarap nung feeling na todo-effort ka pa para sa kanya - kahit assignments mo, pinapakopya mo pa sa kanya dahil gusto mo syang tulungan. Pero dumating ka sa point na wala kang ginawa nung kinakantyaw siya sa iba nung Christmas party ninyo. wala kang nagawa kung hindi, tumawa na lang - Pero deep inside, nadurog yung “Spartan Feelings” mo sa kanya. nagmukha kang lantang gulay. Naging kayo nga kalaunan (1st Girlfriend mo. WOW...), pero hindi rin tumagal (kahit isang buwan.). Hindi mo din na-realize yung point na todo ka pa rin sa pagre-reply sa kanya, pero wala kang idea na wala na pala yung dati niyang number. Nalaman mo na lang in the future na meron na siyang pamilya, at wala kang nagawa kung hindi ngumiti na lang dahil masaya na siya sa naging “End-Game” niya sa buhay. After nun, nakilala mo si “2nd Girl” at sinubukan mong ligawan dahil rakista siya. (Rak yan ih - Dibil-dibil!) Akala mo, tatagal ka sa kanya, pero nakipag-hiwalay ka dahil nalaman mo na meron kang kaagaw - Competitor na halos wala kang binatbat dahil member ng frat yung guy at may motor. Kaya tama lang yung ginawa mo na pakawalan siya. Niloko ka, pero naging hangal ka ng mga panahon na yun para patulan siya. Nagkaroon ka ulit ng panibagong lovelife...pero di rin tumagal dahil secret din yung relasyon ninyo - sa punto na ayaw niyo ipakita sa kapatid niya - at baka isumbong kayong dalawa sa tatay niya na mukhang pulis. Sa huli, nahuli din kayo, at wala ka na naman nagawa, kung hindi mag-break na lang kayo. Marami pang “Lovelife” ang dumating sayo noon after HS, pero ikaw talaga yung may problema. - Torpe. - Mahirap kausap. - Urong-sulong. - Nakikiramdam kay girl. - Pabebe - magulo mag-decide - minsang may saltik - at kung anu-ano pa. Sa lahat ng pagkakataon na iyon - dalawa yung naalala kong “Love Story” mo na sobra akong nanghinayang - to the point na humantong sa “Sad Ending”. A. kay girl na may codename sa wordpress na “ItsPlainAndSimple”. (hanggang ngayon, naka-save pa din sayo yung dalawang article niya na tungkol sayo.) B. kay girl na kausap mo pa din hanggang ngayon, kahit na ba nakatanggap ka na ng rejection mula sa kanya mismo. (Tibay mo boy...tigil mo na yang kalokohan mo.) May mga pagkakataon ka din na madami kang naka-fling (via Text Clans, Yahoo Mail, mIRC, Friendster, Online games at Omegle) noon, pero sumaya ka ba? Dumating ka din sa point na nagsawa ka, or iniwan ka na nila dahil hindi ka na nila need - or dahil nagsawa na sila sayo (Much worse, di ka nila trip dahil wala kang "balls of steel"). Kasalanan mo din dahil hindi ka naghanap talaga ng “True Love” na tatagal sayo. Ngayon, ang kapal pa ng mukha mong makipag-pustahan sa “Former Boss” mo na magkakaroon ka ng GF within 5 Years (pero ang totoo, hindi mo gagawin yun at tatakbuhan mo na lang yung pustahan dahl talkshit ka talaga pagdating sa ganung bagay). Dumating din yung perfect time na inamin mo na crush mo yung ka-officemate mo noon, pero wala ka namang effort na ginawa para pansinin ka. Mahina kang nilalang. Single yung tao, pero wala kang ginawang effort. At eto pa: nakita mo yung kababata mo noong birthday ng kapatid ng lola mo - at kinantyaw ka pa na ligawan siya, pero natawa ka lang. Binigyan ka na ng pagkakataon, pero wala pa ring effort. Bakit? Anu na? (Crush ka nun, sabi ng lola mo.) Masaya ka na ba sa nangyayari sayo ngayon? Aasa ka pa din sa “Dream Girl” na pinapangarap mong makita somewhere, kahit hindi naman darating? Itutuloy mo pa din ba yung buhay mo na naayon sa tradisyon ng pamilya, or tutulad ka na sa mga “New Millenials/post-Millenials” na bata pa lang, lovelife at fling na ang pino-problema kesa sa pag-aaral? (ako na nagsasabi sayo...One in a vagillion lang ang "Lovelife Dream" sa buhay ng tao.) 3. About your Hobbies and Interests... ...wala akong masabi tungkol sa iyo. Basta, konting push pa sa sarili para mabigyan ka lang nito ng kaligayahan. Walang kaso yun kung nagsimula ka sa pa-rentahan ng Console games at Youtube Walkthroughs. Walang problema kahit hindi ka nagkaroon ng “Drumset” or matinong banda. Wala din problema sa isang katulad mo na magkaroon ng poster ng AKB sa kwarto at magkaroon ka ng hilig sa J-Pop, kahit na ba naging rakista ka nung HS. Walang masama kung gayahin mo yung “Wotagei Chant”, kahit wala kang Lightsticks. Walang issue kahit na ba pinilit mong maging “Feeling Perfecionist” sa paglalaro ng Music Games, to the point na naiiling ka kapag meron kang “Great”, “Good at “Miss” at higit sa lahat; ...Huwag mong isipin ang ibang comment sayo kahit na ba mahilig ka sa “Medium-Sized Dark Clothing”, Bonnet, Jacket and Sweaters with Hoodies, Bag na puno ng gadgets at mga anik-anik pa, Headphones at mga salamin na “anti-UV lang naman at walang grado.” Hindi ka naman nila binayaran o kaya ni-rentahan para pigilan ka sa signature get-up mo. Pera mo, trip mo. bahala ka sa buhay mo. 5. About People Around You: ...Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo. Be kind to everyone, regardless kung naging kaibigan mo sila o naging kaaway sa mga nakaraan mo bilang ikaw. Tandaan mo na sila din yung nagbibigay ng kulay sa buhay mo mula noon hanggang ngayon. Wala din problema sa pagiging galante sa lahat ng tao, pero bawasan mo yung pagiging gastador para sa iba. Baka dumating na din yung time na wala ka nga mabiling brief para lang ipang-libre mo pa sa kanila. save a little for yourself. PLEASE. - Hindi ka "charity institution" para maging generous sa lahat ng tao sa paligid mo. Be friendly, pero iwasan mo na yung sobrang OA mo kausap. Hindi lahat ng tao, pwede mong i-please, o pwedeng bagsakan ng practical, sarcastic and corny jokes. May ilan dyan na pwedeng magalit sayo anytime, o pag-isipan ka ng hindi maganda, ng hindi mo nalalaman. tapos pag nagagalit sila sayo, magmamaka-awa ka para malaman kung bakit, pero ikaw naman talaga yung may kasalanan. Tanga... Alam ko, may pinagdadaan ka ngayon, pero sinusubukan mong maging “OK” sa paningin ng iba para lang hindi sila mag-alala sa iyo or sabihan ka ng “Nagda-Drama lang yan” over the internet. Be thankful sa mga bagay na nagbibigay sa iyo ngayon ng inspirasyon at kaligayahan. Pagpatuloy mo lang yan, at malay mo, darating yung “perfect time” na pwede nating sabihin yung mga katagang sinabi din ni Cong sa isang vid niya na “Jokes Do Come True.” Libre lang mangarap, pero bawasan mo din yung maraming dahilan para lang di matuloy mga pangarap mo. Pag gusto, may paraan...pag ayaw, busy lang. Marami akong gustong i-sermon sayo at gustong sabihin sayo - sa lahat ng accomplishments at setbacks mo sa buhay... Pero mas mainam na sa sarili mo na lang matutunan lahat ng bagay na kulang pa sayo, para naman magamit mo din yang dalawang hemisphere mo sa ulo. Huwag mo ng hayaan na iba pa magsabi sayo, dahil alam din naman nila magiging reaksyon mo. para ka ding mga hapon na kapag napapagalitan, hindi lang iimik at parang bato kausap. Teka, Half-Japanese ka nga pala - pero wala sa itsura mo. mukha kang “Homo Erectus”. Ika nga ng sabi ng nga karamihan, sarili mo lang din makakatulong sa iyo, at hindi yung guard sa labas ng coffee shop na nakikita mo ngayon, o yung kapitbahay mo dati na wala namang inatupag - bukod sa paglalandi sa ka-schoolmate. at pagkahumaling sa K-Pop. 31 ka na iho...at malapit ka sa “Tito Stage”. ano na plano mo sa ngayon? (at nasaan na yung target mo para mag-lose ng weight, pero kung kumain ka naman ng Pancit Canton, kaya mo umubos ng 6 Packs sa isang kainan?) Ano ba gusto mo? Six-Pack Abs, o Six-Pack of Noodles? -0- Nagmamahal, Reflection sa Salamin (Solid Fan since November 2, 1990.) <Revised: December 7, 2021 - 11:30PM>
Comments