top of page
Search

Another useless intro. . .

Writer's picture: Naoki GonzalesNaoki Gonzales

“Lahat ng bagay ay may simula – for the nth time around.” - Babanto, 20xx (classmate ko sa highschool) Hindi ko na maalala yung huling beses na gumawa ako ng “useless intro/ prologue/ panimula” sa mga ginagawa kong personal blogs. Lagi na lang ako humahantong sa paulit-ulit na intro dahil wala akong matinong “Personal Space” sa Socmed. Nakaramdam din ako ng pagka-dismaya dahil nagbago ang structure/UI ni Facebook – sabay tanggal sa “Notes” section – kung saan naroon ang ilang mga personal blogs ko na ginawa ko noon. Ang masakit pa noon, wala akong back-up file ng lahat ng iyon. Masakit man isipin, pero tinanggap ko na lang ang katotohanan na iniwan na ako ng mga ala-ala ko, na para din siyang lovelife…wala talagang “forever”. Punyeta- (x1!) Dumating din ako sa mga panahon na halos nawalan ako ng gana sa buhay na mag-edit ng mga litrato na kuha sa smartphone/portable camera, at gumawa ng “Daily/ Weekly/ Monthly Blogs” dala ng stress, anxiety, depression, at kung anu-ano pa - na halos lahat na yata ng issue sa buhay, parang sinalo ko na din. (Napaisip din ako kung pwede ko bang kalimutan lahat ng problema sa buhay, subukang ibaon ang sarili sa lupa, at maging patatas/kamote na lang.) Punyeta~ (x2!) Yung nararamdaman ko ngayon…ako na yung tipong “Thin Nylon Cord” na lang kinakapitan ko para mabuhay. Naroon din yung feeling na gusto ko na siyang bitawan para humawak ulit ng panibagong tali, pero di ako sigurado kung yung bagong taling hahawakan ko pagtapos ng una, kung mas matibay ba siya or baka naman “Made in China.” Kung tutuusin, ginusto ko naman ito sa una na maging “frustrated self-proclaimed blogger”, dahil dito ko lang nabubuhos lahat ng frustrations ko sa buhay mula noon hanggang ngayon. Pero di ko aakalain na ito din magbibigay sa akin ng “burned-out” feeling dahil naroon din yung dilemma na meron kang idea/meron kang gustong sabihin/meron kang gustong i-kuwento, o di kaya - meron kang gustong i-share pero di mo alam kung paano mo siya sisimulan, o kung paano mo ibibigay yung “Starting Blow” sa mga gustong magbasa nito. (Writer’s Note: imbento ko lang yung salitang “Starting Blow” kaya huwag mo nang isipin na makikita mo yung actual meaning/translation sa Encarta or Wikipedia.) Ahh yes…bago ko makalimutan, “Pandemic Season” din nga pala ngayon (since last year pa), na halos nagsilbi din siya bilang “additive” sa frustrations ko sa buhay – sa edad na 30. Karamihan ng mga tinatambayan ko noon at dinadayo ko, unti-unti silang nagsara, nawala, at naglaho. Kasabay sa pagkawala nila yung mga ala-ala ko noon sa lugar nila bilang “preferred personal hide-out” ko tuwing late-night weekend. Punyeta~(x3!) < Last ko na yan…> Habang binabasa ko ulit itong mga sinabi ko sa taas, napaisip din ako kung what if: one day, meron isang misteryosong tao na lumapit sayo (out-of-nowhere) at binigyan ka ng “Portable One-Time Reset Button” na pwede mo lang gamitin in case of emergency…pipindutin mo kaya ngayon? Another Writer’s note: - Kung feeling mo, cringey-nominee itong ginawa ko, di ko na problema iyon. Di importante kung tunog conyo, or meron akong grammatical errors, ang importante dito – may intro ako. Libre mo muna ako ng “Portable Reset Button” sa Shopee or Lazada, baka matuwa pa ako. xD

17 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


profile_picture.png

Thanks for the visit! =)

For more updates, feel free to visit my social media accounts.

  • Grey Facebook Icon
  • Grey Instagram Icon
  • Grey Twitter Icon
  • YouTube - Grey Circle

© 2018 by Naoki Gonzales. Proudly created with Wix.com
All rights reserved.

bottom of page